Tuesday, October 12, 2010

Nakakainis Ka Na

Wag mo akong masyadong pinoprovoke, marunong din akong magalit. Hindi ako manhid na akala mo santong hindi marunong mamuhi. Wag mo akong itulak sa mga gusto mo okay?

Wednesday, September 15, 2010

Pangarap Ka Nalang Ba?

May napupusuan ako dito sa opisina, kaso nahihiya akong magpakitang gilas sa kanya. Una hindi kami masyadong nag uusap. Sa katotohanan, hindi ko pa siya nakakausap. Kahit nga tango or ngitian hindi pa kami nagpapalitan. Hindi kasi siya tumitingin sa akin.

Pero iba ang dating nya. Pag pumapasok siya sa opisina nabubuo ang araw ko. Kahit gaano kabigat ang problema at mga iniisip ko nawawala kapag nakikita ko siya. (and landi)

Pero malabong maging kami. Wala akong maisip na paraan kung papaano kami magkakaron ng komunikasyon. Basta ang alam ko, MALABO.

Pinapantasya ko na nga rin siya sa gabi bago ako matulog at sa umaga pag gising ko. Sabi nga ng isip ko, nababaliw na daw ako. Siguro totoo, pero masaya ako.

Sabi nga sa isang awitin..

Pangarap ka na lang ba?
O, magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba?
Ngunit di bale na.
Kahit mahal mo siya
Mahal naman Kita!

Ang tawag dun, martir! Pero sa akin hindi, kundi pagnanasa parin!

Friday, August 20, 2010

Isa Pang Muni Muni

Nag babalak na akong lumipat ng trabajo, pero wala pa akong nakikitang malilipatan. Ganun pala yun, kahit gaano ka pa katagal na namamasukan sa iisang kumpanya at ang akala mo mararamdaman mong ito na ang masasabi mong pangatlong tirahan, maghahanap ka parin ng iba.

Unang dahilan, dahil sa dumarami na ang pasiklaban, napag iiwanan ka na.
Pangalawa, hindi mo na nakikita ang sarili mo na umuusad, kahit usad pagong lang ba.
Pangatlo, hindi mo na nararamdaman ang importansya mo sa trabajo.

Oo, nararamdaman ko na ang lahat ng ito. May pagkakataon na tinatanung ko ang sarili ko, kung ano pa ang dapat na maibahagi ko sa grupo na kapaki pakinabang? Madalas, takot akong mag bigay ng ideya, kadalasan pag nasabi ko naman sa iba, sila ang gumagawa, sila ang mabibigyan ng kredit.

Iniisip ko rin, mayroon pa bang ibang kawanihan diyan na tatanggap sa akin? Maron pa ba?
Walangya naman talaga o, dapat walang pasok sa lunes biglang binawi.. bakit naman ganun???

Thursday, May 6, 2010

San Nga Ba Ako Patutungo?

San nga ba?

Bigla kong natanong sa sarili ko? San nga ba ako papunta? Mayroon ba akong patutunguhan? O mananatili nalng akong nakapako sa lugar kung nasaan ako ngayon?

Nakakatakot, puno parin ako ng pangamba, pag-aalalang akala ko'y naiwala ko na.

Ano nga ba ang importansya ko sa trabaho ko sa kasalukuyan? Ang sumagot sa telepono? Kahit sino maaring gumawa nito. Ang pagtatago ng mga papeles na may kinalaman sa pang araw araw na ginagawa ko? Kahit sino maari paring gumawa nito.

Masuwerte lamang ako at ako ang nandito. Pero paano kung makalipas ang ilang taon at ginusto kong umiba ng lugar? Babalik parin ba ako sa ganitong kapaligiran? Paulit-ulit?

May halaga pa kaya ako sa labas ng "cubicle" ko?

Monday, April 5, 2010

Buhay Pa Ako

.. at ako'y nagising sa isang mahimbing na panaginip. Napatagal din ang tulog ko, mabuti nalang maari paring bumalik sa naiwang pahina ng buhay ko dito. Di tulad ng mga naiwan kong kahapon na hindi muling mababalikan.

.. marami ang nangyari. Maraming hindi naisulat. Mga galit ko at tuwa. Mga pagngingit-ngit at kasihayan sa kapwa. Kinalimutan ko na ang ilan, and ilan nama'y kinimkim ko sa aking puso, itinatak sa aking isip.

Humihinga pa ako. Kaya ko paring harapin ang darating na bukas. Mag sisimula akong muli

Monday, January 25, 2010

Muling Naligaw

Natapos ang Pasko at Bagong taon na di ko man lamang nabati at nadalaw ang munti kong mundo.

Paumanhin kung ikaw man ay nagtampo sa akin. Naging okupado lang ako ng mga nagdaang araw/buwan. Hindi na ako mag daragdag ng kung ano anong bagay at kwento sa nangyari ng mga nagdaan araw. Sapagkat ang lahat ng iyon ay ala-ala na lamang.. at ang ilan ay nakalimutan ko na.

Basta okupado lang ako..