Wednesday, September 15, 2010

Pangarap Ka Nalang Ba?

May napupusuan ako dito sa opisina, kaso nahihiya akong magpakitang gilas sa kanya. Una hindi kami masyadong nag uusap. Sa katotohanan, hindi ko pa siya nakakausap. Kahit nga tango or ngitian hindi pa kami nagpapalitan. Hindi kasi siya tumitingin sa akin.

Pero iba ang dating nya. Pag pumapasok siya sa opisina nabubuo ang araw ko. Kahit gaano kabigat ang problema at mga iniisip ko nawawala kapag nakikita ko siya. (and landi)

Pero malabong maging kami. Wala akong maisip na paraan kung papaano kami magkakaron ng komunikasyon. Basta ang alam ko, MALABO.

Pinapantasya ko na nga rin siya sa gabi bago ako matulog at sa umaga pag gising ko. Sabi nga ng isip ko, nababaliw na daw ako. Siguro totoo, pero masaya ako.

Sabi nga sa isang awitin..

Pangarap ka na lang ba?
O, magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba?
Ngunit di bale na.
Kahit mahal mo siya
Mahal naman Kita!

Ang tawag dun, martir! Pero sa akin hindi, kundi pagnanasa parin!