Bigla kong natanong sa sarili ko? San nga ba ako papunta? Mayroon ba akong patutunguhan? O mananatili nalng akong nakapako sa lugar kung nasaan ako ngayon?
Nakakatakot, puno parin ako ng pangamba, pag-aalalang akala ko'y naiwala ko na.
Ano nga ba ang importansya ko sa trabaho ko sa kasalukuyan? Ang sumagot sa telepono? Kahit sino maaring gumawa nito. Ang pagtatago ng mga papeles na may kinalaman sa pang araw araw na ginagawa ko? Kahit sino maari paring gumawa nito.
Masuwerte lamang ako at ako ang nandito. Pero paano kung makalipas ang ilang taon at ginusto kong umiba ng lugar? Babalik parin ba ako sa ganitong kapaligiran? Paulit-ulit?
May halaga pa kaya ako sa labas ng "cubicle" ko?