Nag babalak na akong lumipat ng trabajo, pero wala pa akong nakikitang malilipatan. Ganun pala yun, kahit gaano ka pa katagal na namamasukan sa iisang kumpanya at ang akala mo mararamdaman mong ito na ang masasabi mong pangatlong tirahan, maghahanap ka parin ng iba.
Unang dahilan, dahil sa dumarami na ang pasiklaban, napag iiwanan ka na.
Pangalawa, hindi mo na nakikita ang sarili mo na umuusad, kahit usad pagong lang ba.
Pangatlo, hindi mo na nararamdaman ang importansya mo sa trabajo.
Oo, nararamdaman ko na ang lahat ng ito. May pagkakataon na tinatanung ko ang sarili ko, kung ano pa ang dapat na maibahagi ko sa grupo na kapaki pakinabang? Madalas, takot akong mag bigay ng ideya, kadalasan pag nasabi ko naman sa iba, sila ang gumagawa, sila ang mabibigyan ng kredit.
Iniisip ko rin, mayroon pa bang ibang kawanihan diyan na tatanggap sa akin? Maron pa ba?